Share ko lang, nkita ko somewhere...
1. nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
2. kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?
3. alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant
4. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
5. eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
6. nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
7. cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
8. inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
9. meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
10. noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
11. alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
12. alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,asawa ni marie"... hehehehehe?
13. sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
14. inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
15. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?
16. alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng perayung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno
17. meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
18. laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
19. bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
20. takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
21. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)
22. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.
23. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey- Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa- Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20, bente uno at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
24. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
25. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
26. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.
27. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)
28. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)
29. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.
30. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.
31. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)
32. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)
33. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)
34. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito.
35. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), at saranggola
36. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)
37. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.
38. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)
39. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
40. alam mo din ang ibig sabihin ng "PERIOD NO ERASE!"
41. for girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! LOL! (jologs na kung jologs pero totoo!)
42. madalas kang bumili ng "wonder boy" sa iyong suking tindahan.
43. nilalagyan mo ng pritos ring ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.
44. binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kotseng kuba tapos magtataas ka ng peace sign.
45. at minsan yung linyang "PERIOD NO ERASE" ay may dagdag pang "AKIN PADLOCK, AKIN SUSI" (edi sayo! hehe)
46. noon: for boys and girls, specially sa barkada, "hook na hook" kayo sa x-men at nagrorole play kayo at claiming na kayo si storm, o kaya si cyclops or wolverine, etc.
47. noon: wala ka sa "fashion" pag ala kang pop swatch (ur own personal wall clock at your wrist
48. kabisado mo ang 3:00 prayer dahil napapanood mo ito tuwing hapon, at kabisado mo din pati ung "we have just as one nation started the beautiful 3:00 habit...we hope that this becomes a daily habit with you..."
49. kumakain ka ba ng aratilis?
50.nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
51. pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog
52. marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luk song tinik?
53. malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
54. alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start
55.Pinagyayabang mo ang bago mong Game N' Watch na bibili ng nanay mo sa palengke.
56. Kinukuha ng nanay at tatay mo yung perang pinamaskuhan mo sa ninang at ninong mo.
57. may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakitaka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
58. addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
59. nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?
60. marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk ung talagang floppy?
61. inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna?
No comments:
Post a Comment