Wednesday, October 22, 2008

pictures after the wedding :)
















paano kung isa kang pantyliner?

"pucha.ang init.”--
oo nga e“grabe, eto pala feeling ng pagod na pagod”
--sinabi mo“alam mo yung ichura ng pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw?”
--what the f***?“yung at the end of the day, at feel mong magpalit na dahil may "icky feeling", pagpunta mo sa banyo at pag upo mo sa toilet, at pagbaba ng iyong salawal….YAAK!.”
--kadiri ka naman
“Yon, yon mismo ang nafifeel ko ngayon. As in siyeet, I feel used, luray luray, mabaho, useless, di na tao in short."*silence*
--hmm, come to think of it, I can relate..

Diyan nag-umpisa yung usapang pantyliner. Sa dinami dami ng bagay sa mundo na pwede icompare yung feeling ng ka block ko, sa pantyliner nya na-trip-an. Kunsabagay, tumpak at maihahalintulad mo nga naman ang kanyang sitwasyon sa pantyliner. Ang galing nga e, parang ako rin, na feel ko rin bigla yon. Para bang..*poof* naging pantyliner ako!

Anyway, na miss ko lang ang ganyang usapan, usapang college na tipong kahit anong bagay e mapaguusapan nyong magkakaibigan. Kahit yung hilatsa ng mukha ng propesor nyo, at kung bakit may pasok kahit ang lakas lakas ng bagyo sabay pagpasok mo e iaanunsiyo sa eskuwelahan an walang pasok, at kahit yung mga topic sa politika, parang kahit anong klaseng usapan ay considered as good conversation topic.

Hindi tulad ngayong nagtatrabaho na, para bang ang hirap magbuo ng kwento sa mga kakilala mo. Sige, subukan mo nga, tanungin mo yung team lead mo ng “Paano kung isa kang pantyliner?” at pagmasdan mo ang nakababahalang reaction na guguhit sa mukha niya. Pagkatapos nun, abangan mo sa deliberation kung ano rating mo, at kung may trabaho ka pa sa susunod na buwan.

Yun ang nararamdaman ko ngayong nagtatrabaho ako. Sa tuwing natatapos ang isang araw, ramdam na ramdam ko ang pagiging isang pantyliner ko, yung pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw.

Marahil ay na mimiss ko lang ang kolehiyo, ang mababaw na usapan, ang walang kapararaang kuwentuhan ng tungkol sa kahit ano, at shempre ang mga kaibigan at kaklase ko. Ngayong nagtatrabaho ako, ang hirap humanap ng tunay na kaibigan, parang lahat sila kaibigan mo pero..ops ops ops, hanggang diyan ka lang, professional pa rin dapat. Paano kaya yon? Yung kabiruan mo lang kaninang break time na halos di mapigil ang ihi sa katatawa, e siya ring nagpapaalala sa mga deliverables mo for tomorrow, siya ring boss mo, at siya ring sumusukat sa pagkatao mo sa opisina.

Kaya nga ngayon, di tulad nung kolehiyo na babakas sa iyong mukha ang isang ngiti at buong kalakasan mo pang ipaparinig ang “I feel like a pantyliner na!” sabay tawanan niyong magkakaibigan; ngayon,habang nakatunganga ka sa harap ng workstation mo, ikikimkim mo na lang sa iyong sarili ang biro, umasang mapawi ang pagod na nadarama at pabulong na sasabihing, “kailangan ko na yata magpalit.”

sabi ni bOb oNg! :)

"Mangarap ka at abutin mo ito. 'Wag mo sisihin and sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis. . . kung may pagkukulang sa'yo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde. . tumigil ka sa pag-aaral, mag-drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili. . .sa bandang huli, ikaw din ang biktima. . .rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. . ."

my screensaver :)


with my honey

siopao face


at the reception

Pangarap ko ang Ibigin Ka

Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kabag at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig'
Pagkat namamangha 'pag kausap ka
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang binubulong ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Yet To Come

The song that best describe the new chapter of my life! 💜