"pucha.ang init.”--
oo nga e“grabe, eto pala feeling ng pagod na pagod”
--sinabi mo“alam mo yung ichura ng pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw?”
--what the f***?“yung at the end of the day, at feel mong magpalit na dahil may "icky feeling", pagpunta mo sa banyo at pag upo mo sa toilet, at pagbaba ng iyong salawal….YAAK!.”
--kadiri ka naman
“Yon, yon mismo ang nafifeel ko ngayon. As in siyeet, I feel used, luray luray, mabaho, useless, di na tao in short."*silence*
--hmm, come to think of it, I can relate..
Diyan nag-umpisa yung usapang pantyliner. Sa dinami dami ng bagay sa mundo na pwede icompare yung feeling ng ka block ko, sa pantyliner nya na-trip-an. Kunsabagay, tumpak at maihahalintulad mo nga naman ang kanyang sitwasyon sa pantyliner. Ang galing nga e, parang ako rin, na feel ko rin bigla yon. Para bang..*poof* naging pantyliner ako!
Anyway, na miss ko lang ang ganyang usapan, usapang college na tipong kahit anong bagay e mapaguusapan nyong magkakaibigan. Kahit yung hilatsa ng mukha ng propesor nyo, at kung bakit may pasok kahit ang lakas lakas ng bagyo sabay pagpasok mo e iaanunsiyo sa eskuwelahan an walang pasok, at kahit yung mga topic sa politika, parang kahit anong klaseng usapan ay considered as good conversation topic.
Hindi tulad ngayong nagtatrabaho na, para bang ang hirap magbuo ng kwento sa mga kakilala mo. Sige, subukan mo nga, tanungin mo yung team lead mo ng “Paano kung isa kang pantyliner?” at pagmasdan mo ang nakababahalang reaction na guguhit sa mukha niya. Pagkatapos nun, abangan mo sa deliberation kung ano rating mo, at kung may trabaho ka pa sa susunod na buwan.
Yun ang nararamdaman ko ngayong nagtatrabaho ako. Sa tuwing natatapos ang isang araw, ramdam na ramdam ko ang pagiging isang pantyliner ko, yung pantyliner na sinuot mo at di mo pinalitan ng isang buong araw.
Marahil ay na mimiss ko lang ang kolehiyo, ang mababaw na usapan, ang walang kapararaang kuwentuhan ng tungkol sa kahit ano, at shempre ang mga kaibigan at kaklase ko. Ngayong nagtatrabaho ako, ang hirap humanap ng tunay na kaibigan, parang lahat sila kaibigan mo pero..ops ops ops, hanggang diyan ka lang, professional pa rin dapat. Paano kaya yon? Yung kabiruan mo lang kaninang break time na halos di mapigil ang ihi sa katatawa, e siya ring nagpapaalala sa mga deliverables mo for tomorrow, siya ring boss mo, at siya ring sumusukat sa pagkatao mo sa opisina.
Kaya nga ngayon, di tulad nung kolehiyo na babakas sa iyong mukha ang isang ngiti at buong kalakasan mo pang ipaparinig ang “I feel like a pantyliner na!” sabay tawanan niyong magkakaibigan; ngayon,habang nakatunganga ka sa harap ng workstation mo, ikikimkim mo na lang sa iyong sarili ang biro, umasang mapawi ang pagod na nadarama at pabulong na sasabihing, “kailangan ko na yata magpalit.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Yet To Come
The song that best describe the new chapter of my life! 💜
-
MANILA - Some 800,000 Filipinos are in danger of losing their jobs this year as the global economic slowdown hits the export sector, Economi...
-
Globe Broadband Prepaid Visibility made more affordable, now for only Php1,895 with free load. Hurry! Go to your nearest Globe business cent...
-
People say it's so easy to love, in my point of view, I believe that it is not really that easy. but then again, loving someone could be...
No comments:
Post a Comment