Monday, September 26, 2011

emo lang

ewan ko ba bakit ganito ang aking feelings, alam ko dapat hindi ako magtampo, dahil mababaw na issue, and that mga kaibigan ko sila pero minsan hindi ko maiwasang hindi magtampo.....
siguro nag-seself pity lang ako, hehehehehe.... hay ewan..... minsan naiisip ko kung kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin, me problema ba sa akin? i feel so alone and not accepted..... si jasper na inaasahan kong nanjan for me pag kailangan ko ng karamay.... wala..... buti na lang at naging part ako ng PD Team, at least nakakapunta ako sa malayo..... hayyyy di ko maintindihan bat ako nagkakaganito...... happy ako sa panlabas, pro deep inside i feel so sad and alone.

gaya kanina, nakita namin si grasya, di ko maintindihan kung anong problema niya sa akin, bakit plastik sia makitungo sa akin...... tinuring ko pa naman siang true friend pro ganyan siya, di ko makakalimutan yung nangyari dati na nag-swimming kami, aba eh after ng swimming galit na sa akin at binura pa ako sa friendlist nia sa friendster..... hayyyyy ewan ko ba, di ko mainitindihan....... tapos nung nabuntis sia at magpapa-kasal na, bigla naman akong pinansin, sabi pa nia, mag-reader pa raw ako sa kasal nia, tapos on the day of the wedding hindi naman pala ako reader....sana man lang nag-abiso diba......

minsan kung sino yung akala mong banal, mabait, mature, responsable sia pala yung bulok ang loob at hindi nagpapakatotoo!!!!.... sa iba ang bait-bait, pero me tinatago rin namang kaplastican! such a hypocrite!

siguro me purpose si Lord bakit ko nakilala yung mga taga victory church.... feeling ko mas magiging totoo sila sa akin.......

No comments:

Post a Comment