Tuesday, January 6, 2009

Tanging Mahal

Sabihin ko kaya sayo
Damdamin na itinatago
Paano aking kaibigan
Lihim ay katotohanan

Tanging mahal sa puso ko'y ikaw lamang
Sabihin mong pag-ibig kong minimithi
inaasam
Kaylan pa ba maririnig ito sinta
Kung sana'y makapiling ka
Habang buhay aking sinta

Pagtingin sayo'y nagbago
Pagtibok ng aking puso
Sana'y iyong malaman
Ikaw at ikaw lamang

Tanging mahal sa puso ko'y ikaw lamang
Sabihin mong pag-ibig kong minimithi
o inaasam
Kaylan pa ba maririnig ito sinta
Kung sana'y makapiling ka
Habang buhay aking sinta

Tanging mahal
Tanging mahal

No comments:

Post a Comment