Monday, October 13, 2008

FAMOUS "IISA PA LAMANG" LINES

"Kapag ang tao'y nagmahal, hindi na mahalaga kung ano man ang tama, kung sino ang humingi at nagbigay, kung sinong nanalo, kung sinong talunan. Ang alam mo lang, nagmamahal ka. Ang alam ko lang, mahal ko sya. Mahal ko sya." - Katherine

"Babalik ako. Maniningil ako. Pinapangako ko, kukunin ko lahat ng kinuha nyo't inagaw nyo sa 'min." - Katherine

"You're in love with somebody else, and that somebody else is not worth it, Rafael." - Estelle

"Mas kaya kitang mahalin." - Rafael
"Kaya kong saktan ang sarili ko, pero hindi kita kayang saktan." - Katherine

"Nagkakamali ka. Hindi na ako marunong magmahal ngayon. Patay na ang puso ko, Rafael." - Katherine

"Anak ako. Dugo't laman." - Scarlet
"Anak ka lang. Asawa nya 'ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pagaari ko na ngayon." - Katherine
"You're just a gold digger in red!" - Scarlet
"Damn you!" - Scarlet
"Same to you anak. Same to you." - Katherine

"Siyempre, diamonds are forever, like me!" - Katherine

"Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!" - Isadora

"Kung gaano ka katayod lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak. Ouch!" - Isadora

"Senior vice president ako ng kompanyang ito, ako ang legal wife ng may-ari ng kompanyang ito, tauhan lang kita, at higit sa lahat, madrasta mo ako! Kaya layuan mo ako. Get out of my sight! Leave! Now!" - Katherine

"Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black." - Scarlet
Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!' - Scarlet
"Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?" - Katherine

"Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang 'to, hindi 'to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa 'yo!" - Scarlet
"Sige! Maglaro tayo, agawan ng yaman! Pero kung ako sa'yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?" - Katherine

"Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!" - Isadora
"Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!" - Katherine

"Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?" - Katherine
"Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!" -Isadora
"Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo." - Katherine

"Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!" - Katherine
"Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha." -Isadora

"Natatakot ka ba sa akin, o sa sarili mo? Alam mo, bibigay ka rin." - Katherine

"Sana, dumating ang panahon, na akong nagiisang laman ng puso't isip ni Miguel. Sana ako lang ang mahalin niya." - Scarlet

"Pero hindi ako susuko, kahit anong mangyari, babawiin kita Miguel. Dahil alam kong naging una kang naging akin. Dahil alam kong hindi kita kayang kalimutan." - Katherine

"Pakisabi sa bisita mo, ayoko ng nangangamoy basura ang bahay ko." -Katherine

"Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!" - Katherine
"Don't you dare say bad things about my mother, kumpara sa 'yo. anghel ang ina ko!" Sophia
"Anghel na may sungay!" - Katherine
"Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!" - Sophia
"Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!" – Katherine

"Panandaliang donya, habang buhay na busabos." - Lola Aura

“Mamamatay tao ka! You killed my father!” - Scarlet
"Kung may gusto kong patayin, ikaw yun Scarlet!” - Katherine

"Alam kong hindi mo sinasadya pero ang sakit sakit ng ginagawa mo Catherine. Hanggang kailan ako masasaktan.. . Hanggang kailan?" - Rafael

“Paano mo malalamang in love ka na? Yung hindi attracted lang…” - Jester

“Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!” - Scarlet
“Kumain ka na. Gutom lang yan!” - Miguel

“Oh aren't you excited to see me?” - Isadora
“Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?” - Scarlett
“Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I'm so witty” - Isadora
“Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?
“Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.” - Isadora

“Ba't mo ko sinampal, biyanan mo ko!” - Isadora
“Di lahat ng biyanan, pinagbibigyan, Di lahat ng biyanan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!” - Scarlet

"Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng dirty mistress in dirty brown.” - Scarlett

“Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma's a bitch, and so are we…” - Scarlett

No comments:

Post a Comment